There’s no sense in telling someone what to do and what not to do. Sabi kasi sa radyo, kailangan na raw itigil ng mga pulis ang pambababae at dapat pag magsisimba, kasama ang pamilya. Eh ano bang pakealam nila? Hindi naman natin pwedeng diktahan ang isang tao kasi may sarili yang desisyon. Kung mali man ang pinili nya, be it. Kasi kahit ilang libo mo pang ulit ulitin yang mga pasaring mo, hindi yan magtitino kung yan talaga ang kagustuhan nya. Kaya pwede ba?
Posts tagged sabi ko.
Darating at darating sa buhay ng tao na mararamdaman nyang para bang hindi sya kabilang sa isang grupo. Pero sa kabila nun, makakahanap din sya ng grupo na kung saan mararamdaman nyang kabilang sya.
Sa friendship, parang trial and error lang yan eh. Susunok ka sa bagong pagkakaibigan, tapos hindi magwowork kasi magkakasiraan, hindi magkakaunawaan. Hindi maiiwasan yun eh, yung tipong darating kayo sa puntong hindi talaga kayo magkaunawaan. Magiging error yun pag tipong ni isa sa involved parties eh walang mag-gigive in. Pataasan ng ihi. Ang labas nun, maghahanap ka ng bagong mga makakasama mo. Magiging kaibigan. Bagong makakakwentuhan at makakatawanan.
Masarap tumawa kasama ang mga kaibigan, masarap makipagkwentuhan kasama ang mga kaibigan. Maraming masayang feeling ang mararanasan mo pag may kaibigan ka.
Pero ako, ewan. Kung sa love meron tayong tinatawag na bigo sa pagibig, ano naman kaya ang pwedeng itawag sa taong bigo sa paghahanap ng kaibigan? Hindi ko din alam.
Kanina sabi ko, ang friendship parang trial and error lang. Ang dami ko ng tries, ang dami ko na ring error. Hanggang ngayon, hindi ko pa din masabing ramdam ko ang halaga ko sa lupon o bilang ng isang tao. Hanggang ngayon, hanggang ngayon nagsstruggle pa din ako. Halos araw araw nag-aadjust ako dahil sa iba’t ibang uri ng tao. Hindi ko masabing kabisado ko na ang bawat ugali ng mga taong nakakasalamuha ko pero nababasa ko ang ugali nila. Nakakatuwa na hanggang ngayon, hindi pa din ako natututo sa mga kamalian ko.
Sa dinami dami ng problema ng mundo, yang pagiging SMP mo ang inuuna at mas inaalala mo. Kung malamig yang pasko mo, dun ka kay Willie Revillame, manghi ka ng libreng jacket.
Ligaw. Ligaw. Ligaw
Wala naman talaga yan sa tagal o bilis ng panliligaw eh. Nasa dalawang tao na kasi yun kung pano nila papanatilihing maganda at masaya ang relasyon nila pag naging sila na. Hindi naman yung tagal o bilis ng panliligaw ang magdedefine sa relasyon nila later on, kundi yung dalawang taong involve mismo sa relationship.
So what kung 3 days, 1 week, o 1 year mo syang niligawan o naging manliligaw hindi naman yun ang mahalaga eh. Ang mahalaga, yung masaya kayo pareho. Walang anu-ano.
Theme Song ~
Kaya ayoko ng may theme song-theme song pagdating sa relasyon eh. Nakakasira ng utak pag naghiwalay kayo ng kasintahan mo. Kahit ayaw mo, kahit anong pilit mo, magmumuka ka pa rin talagang mongoloid na emo. Iiyak iyak sa sulok. Maaalala mo lahat ng dapat ngayon ay ibinabaon mo na sa limot.
Ang saya saya mo na eh. Tapos bigla mong maririnig yung kantang dati sabay nyong kinakanta, pangiti-ngiti sabay hug, tapos ngayon? Ano ka? Iiyak ka. Kasi babalik lahat ng alaala nyo nung masaya kayong dalawa. Yung mga bagay bagay na ginagawa nyong magkasama.
Ang masakit run, hindi lang yung good memories ang maaalala mo. Maaring pati yung dahilan ng paghihiwalay nyo maalala mo. Masakit yun, lalo kang iiyak.
Ang masasabi ko lang, ayoko talaga ng theme song theme song na yan. Pero hindi mo maiwasan na magdedicate ng kanta para dun sa taong mahal mo. Alam mo yun? Kasi sobrang in love ka talaga sakanya. Sobrang saya mo na pwede ka ng mamatay.
- BOY: Mahal kita.
- GIRL: Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo para sakin
- BOY: Kainis ah! kababaling ko lang nga sayo, babalin na naman?! Pabaling-baling?
- Hahaha! Kasi naman eh. Natawa lang ako dito kay kuyang pabaling-baling. hahaha
Kasi isa to sa mga inabangan ko. At ngayon, hayan na ang resulta. Akala ko kasi nun wala akong pag-asang pumasa. Akala ko masasayang ang 500 pesos ko para sa Civil Service Exam na yan. Pero ayun nga, minsan ayos rin palang pairalin ang kakapalan ng mukha, at ayun. Okay naman ang naging resulta. Hindi nasayang ang 500 pesos ko sa Civil Service Exam. Yay! :> Pasado pa sa prof, akalain mo? Haha! Congrats sa iba pang mga nakapasa :)
Ang saya ng feeling, promise. Bawing bawi ang 500 at effort :>
Ganito naman lagi. Kampi kampi agad kahit na ‘di pa naman talaga alam yung buong kwento. tapos ang laging sasabih, intindihin mo na lang kasi ganito, ganyan, bla bla bla. ganun na lang? lagi na lang iisang tao yung iintindi? yung uunawa? yung mag-aadjust? eh pano naman kung magsawa at mapagod na yung nagiisang taong yun? hindi ba pwedeng give and take na lang? nakakasawa na rin kasi yung ganito. nauumay nako sa buhay ko. -.-“
Life is like a big party. You invite a lot of people. Some leave early, some come late. Some stay, some laugh with you. Some laugh at you. But in the end, after the fun, there will be a few who will stay and help clean up the mess with you. Most of the time, those were the ones who didn’t even made the mess. And those people, they are the one you should worry about losing.
Hindi ko alam. Pero sa mga nagdaang araw ang bigat bigat ng loob ko. Gusto kong sabihin sa mga kaibigan ko kung anong nararamdaman ko pero hindi ko alam kung pano sisimulan at kung pano ko ipapaliwanag kung bakit ko nararamdaman ang mga ganitong bagay. Sa isang bagay lang ako nakakasiguro, malungkot ako. Heto na naman ako sa pagsusulat. Heto na naman ako sa mga hinaing ko. Heto na naman ako. Ako man, naiinis na rin sakin. Nagiging madrama na naman ako. Hayaan na, ito na lang takbuhan ko. Ito na lang mapagkukwentuhan ko. Ito na lang ang napagsasabihan ko ng mga saloobin ko. Salamat tumblr.
